PAMILYANG BOKSINGERO sa Sablayan, Kanlurang Mindoro. (larawan sa kanan, Drian “Gintong Kamao” Francisco, Loyd (gitna) at ang dating number contender ng Pilipinas, Joe Francisco (kaliwa).
Wala sa larawan sina Loyalyn (asawa si Joe) at ang kambal nilang sina Jared at Jasper.
“Wonderful Sablayan” kung tawagin ng mga turista, kalalawigan sa Mindoro o maging sinomang mapupunta rito ang bayan ng Sablayan dahil sa angking ganda, kaunlaran at napapangalagaang likas yaman nito.
Bukod sa pagkikilanlang ito, kilala rin saan mang sulok ng Sablayan at sa buong lalawigan na ng Kanlurang Mindoro ang pamilya Francisco bilang “Pamilyang Boksingero”, sikat, iginagalang, ikinararangal at ipinagmamalaki ng mga Mindoreno.
Mula sa maunlad na bayan ng San Jose nakilala si Diomedes “Joe” L. Francisco dahil sa angkin niyang lakas, diskarte at kasanayan sa larong boksing. Ang dalawang beses niyang panalo sa amateur boxing noong 1977- 1978 ang nagtulak kay Joe para ipagpatuloy ang kanyang professional boxing career na umani ng tagumpay at nagpakilala sa lalawigan ng Kanlurang Mindoro.
Ang pagboboksing din ni Joe ang nakapagpahanga ng isang magandang babaeng si Loyalyn “Bingbing” Hilario ng Malvar, San Jose. Sa tuwing may laban si Joe sa San Jose, umaakyat siya sa puno ng Kamatsili,, mapanood lamang ang laban ng kanyang iniirog at hinahangaan.
Dahil pareho nila napahanga ang isat- isa, humantong ang lahat sa kanilang pag- iibigan.
Sa professional boxing carrer ni Joe, nakapagtala siya ng 26 laban, 23 ang panalo, 1 ang tabla (draw) at 2 ang talo. Dito rin siya kinilala bilang number 1 contender ng Pilipinas at number 3 sa Orient Pacific Boxing Federation (OPBF).
Pagkaraan nito, noon Oktubre 1982, naglingkod na siya sa Fire Service ng PC/ INP bilang Fire Officer hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng Bureau of Fire Protection.
Bagamat nasa serbisyong bumbero, ang mga panahon day- off ay inilalaan ni Joe sa pag- iinsayo ng mga boksingero at officiating official sa lahat ng bayan ng Kanlurang Mindoro sa anomang boxing amateur tournament.
Nagsilbi rin siya boxing trainor ng Department of Education na siyang naging dahilan upang makuha ng Kanlurang Mindoro ang gintong medalya sa lahat ng kategorya sa Southern Tagalog Athletic Association Meet.
Sa kasalukuyan, si Joe ang presidente ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) Occidental Mindoro Chapter. Kilala bilang mahusay na boxing trainor, coach, referee, judge at jury.
Drian: Gintong Kamao

(Solidong suntok sa panga ang pinakawalan ng Gintong Kamao kay One Chana ng Thailand na naging sanhi sa deklarasyon TKO sa kanilang laban.)
Dahil ang ama at ina ay parehong mahilig sa boksing, hindi kataka- taka na apat na lalaking boksingero ang ipinagkaloob kina Joe at Bingbing ng Dios.
Solidong suntok sa panga ang pinakawalan ng Gintong Kamao kay One Chana ng Thailand na naging sanhi sa deklarasyon TKO sa kanilang laban.Ang panganay nilang si Drian, kilala ng mga kaibigan bilang Jong at sa pamilya ay Boyoying ay nagsimula sa boksing sa edad na 5 at pagsapit niya sa edad na pito (7) ganap na ang kanyang amateur boxing carrer. Halos nasa 60 laban sa amateur ang kanyang naipanalo, walang talo. Mula sa palaro sa mga fiestang barangay, fiestang bayan, palaro sa paaralan (intrams, district meets, provincial meets, STRAA) Palaro Ng Bayan at iba, panalo si Jong.
Bagamat busy siya sa pag- eensayo, hindi pinabayan ni Drian ang kanyang pag- aaral. Tinapos niya ang ang kursong Bachelor of Science in Commerce, Major in Management sa Colegio de San Sebastian bago niya pinasok ang professional boxing career.
Sa kasalukuyan, si Drian ang kinikilalang WBO: Asia Pacific Champion sa flyweight division. Iba- ibang pagkikilanlan ang mga ginamit na pagtukoy sa kanya ng mga manunulat, Mindorenong Kamao kay Madonna Virola ng Balikas/ Philippine Daily Inquirer, Little Espinosa kay Rey Danseco ng Tiktik , at Gintong Kamao para sa bago niya manager na si Elmer Anuran ng “Save by the Bell Promotion”.

Sa kanyang professional boxing career, nakapagtala na siya ng 16 na laban, 12 ang technical knockout (TKO), 1 tabla (draw) at walang talo.
Pagkaraan ng 2 minutes, 34 seconds in second round fight, ideklara ni referee Ver Abainza at ring announcer Jun Abellanera panalo/ sa TKO si Jong- ang Gintong Kamao laban kay One Chana ng Bangkok, Thailand.
Ang pinakahuli niyang laban ay nitong nakaraang Disyembre 2008 kay One Chana number 5 contender, super flyweight division ng Bangkok, Thailand na idineklarang technical knockout in 2 minutes, 34 seconds in the second round.
Sa pagpasok ni Drian- ang Gintong Kamao sa Save by the Bell Promotion ni Manager Elmer Anuran, inaasahang higit pang aangat ang boxing carrer niya.

Si Manager Elmer Anuran (naka-gray) ng Save by the Bell Promotions habang ipinagdiriwang ang tagumpay ni Drian “Gintong Kamao” Francisco laban kay One Chana ng Bangkok, Thailand kamakailan lamang.
Loyd: Pambato ng Mindoro
Si Loyd ang pangalawa sa magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce, major in Management sa Colegio de San Sebastian. Sa murang edad, nasabak na sa larong boksing. Sa kanyang amateur fights, wala ring talo. Sa kanyang professional boxing carrer, 6 na ang naitala niyang laban, sa 5 panalo, 4 dito ay TKO at isa ang talo.
Patuloy na sumisikat. Karangalan ng Mindoro.

Ang Kambal: Jared at Jasper
Kambal ang bunso at pangatlong anak nina Joe at Bingbing. Sina Jared at Jasper. Pareho na rin silang tapos sa kolehiyo. Si Jared ay Bachelor of Science in Criminology samantalang si Jasper at Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) kapwa sa Occidental Mindoro National College (OMNC).
Si Jared (Liit) ay silver medallist sa STRAA, wagi din sa mga amateur fights samantalang si Jasper (Tukong) ay laging sumasabak sa mga boxing exhibition games. Nitong nakaraang Hunyo 2008, ipinalabas sa rated K ni Korina Sanchez ng ABS- CBN ang kasanayan ng kambal sa boksing at iba pang gawain.
Bagamat wala pa silang opisyal na plano kung tutunguhin din ang professional boxing career, isa lang ang sigurado, dugo silang boksingero.

Si Mama Bingbing: - ang nasa likod ng lahat ng tagumpay
Ayon kay SFO2 Diomedes L. Francisco ang kanyang tagumpay noon at hanggang sa ngayon ay dahil sa kanyang inspirasyon, si Loyalyn Hilario, mas kilala sa Bingbing ng buong Mindoro.
Siya ang nutritionist ng pamilya. Sinisiguro niya na akma sa pangangailangan ng katawan at masustansya ang mga pagkaing inihahanda niya para sa pamilya. Hindi lamang ensayo at displina ang sekreto ng matagumpay na boksingero, nasa paghahanda rin ng pagkain. Masarap siyang magluto at kilala ang kanyang cake kahit saan. Mabuting maybahay, ina at kaibigan.
Sa panahon ng mga ensayo, si Bingbing ang nagsisilbing time keeper, medical assistant, nutritionist at jury.